Posted by: nickie wang on: May 3, 2008
Nanlalagkit ako sa pawis at di mapakali. Naka ilang ikot na ko sa kama. Parang si Mickey (pangalan ng aso ko), paikot-ikot muna bago humilata sa doormat naming may nakalagay na welcome. Bukas na man ang electric fan, pero di kasi biniyayaan ng snow ang Pinas kaya habang nagyeyelo ang Siberia at nagpapadausdos ang mga polar bears na nasa North pole lang matatagpuan, oo walang nga puting oso sa Antarctica , eto ako at pinagpapawisan…Sabi nga ni Hermy: “ carebears ko, wala ako sa pagka-knowing,” na kung itratranslate ni Janina: “ Kerbers is the one I favorite, knowing them as my childhood heroes are very important in my life!”
Di tulad ni Mickey na nakatulog na sa doormat, (na wala naman talaga sa pintuan naming may sabit paring Xmas décor) dahil nakalagay ito sa sahig ng kwarto ko, eto pa rin at di makatulog. Nagbilang ako ng kambing…mehehe..mehehehe..Maingay pala magbilang ng kambing…Sinubukan ko ang mga ulap. Pero naisip ko wala ako sa mood para magbilang ng ulap kaya nagbilang na lang ako ng 1 to 100. Isa ito sa natutunan ko sa kinder.. Wala pa ring epek…Naalala ko ang sabe ni Kuya Bodjie sa Batibot (tama ba ispeling ko ng Bodjie?), pag di ka makatulog, baligtarin mo lang ang iyong unan at makakatulog ka na…so binaligtad ko ang limang unan ko na bago naman ang mga punda…holy macaroni, eto at mulat pa rin ang mga mata…concentrate…meron pa kong alam na pampatulog…hehehe…di ko na sasabihin kasi censored.
ZZZZZZZZZZZZZ
Tumatakbo ako…pagal na sa katatakbo.Ayan na siya!!!Isang malaking kulangot. Nakakatakot pala ang personipikasyon ng kulangot. Buti sana kung completely tuyong kulangot, eh parang meron atang sipon ang pinanggalinganng kweba ni Mr. Booger. Hinahabol nya ko.Sige Ikoy takbo, takbo ka pa, mahaba naman ang kalsada! Subalit si booger man ay mas mabilis pa ang paggulong kesa sa paglipad ng mga chicken legs ko. Alam ko na…magtratransform ako..ano nga ba ang kalaban ng kulangot…Ah isang malaking daliri! Ayan isa na kong malaking daliri. Pero pano ko tatakbo? Meron bang paa ang daliri? Dapat pala nagtransform ako bilang isang daliri sa paa. Kaya lang pangit namang mangulangot gamit ang paa. Ah basta eto na ‘to. Kelangang harapin ang kinatatakutan. Conquer your fear ika nga. Ayan na xa ahhhhhhhhhhhhhh. Yuck! So sticky…at biglang may malaking dilang nag-appear. Dinidilaan ako. Si Mickey pala gising na xa, at ginigising na nya ako sa pamamagitan ng kanyang mga dila. Salamat kay Mickey subalit huli na ang lahat.
good author… I appreciate your creativity. simpleng idiomatikong patayutay yet funny.
May 4, 2008 at 10:45 am
hindi ko naman keri ang imahinasyon mo.
hahaha